Abante Tonite Interactive

Bulacan drug ops: 2 tulak dedo, 24 swak sa selda

149

Umabot sa 24 na sangkot sa droga ang nakorner habang dalawa ang namatay sa dalawang araw na magkasunod na anti-illegal drugs operation ng pulisya sa Bulacan.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Rogelio Caranto alyas Boy at isang alyas Joc, na kapwa nasa drug watch list, pareho umanong nakatunog ang dalawa na pulis ang katransaksiyon kaya naman nakipagpalitan ito ng putok sa mga awtoridad na humantong sa kamatayan ng mga ito.

Swak naman sa selda ang 24 na sangkot sa droga na nadakip ng mga awtoridad sa Malolos City, Calumpit, Marilao, Bocaue, San Rafael, San Jose del Monte City, Pandi at Baliwag.

Nakarekober ang pulisya ng kabuuang 69 pakete ng shabu, 2 brick at 20 zip lock ng damo bukod pa sa dalawang puno ng marijuana, buy-bust money at traysikel.