Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bulacan mayor na-COVID

0 196

Nagpositibo sa COVID-19 si Sta. Maria, Bulacan Mayor Russel Pleyto.

“Malungkot ko pong ibinabalita na ang inyong abang lingkod ay nagpositibo sa COVID 19. Sa mahigit isang taon nating pagharap sa mga hamon ng pandemya, ang inyong lingkod ay hindi nakaiwas sa kabila ng ating matinding pag-iingat,” ayon sa Facebook post ng alkalde.

Kwento ni Pleyto, noong Lunes ay nagkaroon siya ng lagnat kaya sumalang sa RT-PCR testing.
Pinaalalahan nito ang mga nakasalamuha niya na obserbahan ang kanilang sarili at mag-isolate.
Wala naman aniya siyang nararamdaman ngunit sasailalim siya sa 14-day mandatory quarantine. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.