Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bulacan PNP bokya pa sa 3 biktima ng salvage

0 125

Blangko pa din ang Bulacan PNP sa pagkakakilanlan ng tatlong salvage victim na kinabibilangan ng dalawang babae at isang lalaki na matapos barilin sa ulo ay itapon sa gilid ng kalsada sa Barangay Malamig, Bustos, Bulacan kamakalawa.

Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan police director, patuloy pa ang imbestigasyon upang mabatid ang motibo sa pamamaslang at pagkakakilanlan ng tatlo na nagtamo ng mga bala sa ulo.

SM food to go Banner Ad

Alas-5:00 ng madaling araw nang matagpuan ang tatlong biktima na pawang naka-face mask at duguan.

Hindi inaalis ang posibilidad na sa ibang lugar dinukot ang mga biktima at sa Bulacan bypass lamang ito itinapon para iligaw ang imbestigasyon. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.