Abante Tonite Interactive

Bulacan PNP nag-donate ng mga PPE

271

Tumanggap ang Bulacan Medical Center (BMC) ng 22 kumpletong set ng personal protective equipment (PPE) mula sa Provincial Police Office (PPO) bilang bahagi ng sabayang gawain ng Philippine National Police na tinawag na ‘Show Support and Compassion to Health Workers in the Fight Against COVID-19’ na ginanap Sabado ng hapon.

Nagbigay din ang Bulacan PPO ng iba pang kailangang suplay laban sa COVID-19 gaya ng libu-libong hand glove, daan-daang face shield at face mask gayundin ng dalawang aerosol box.

Pinangunahan ni Acting Bulacan Provincial Director Lawrence Cajipe ang mga kapulisan sa lalawigan sa maikling programa at pagkakaloob ng mga PPE sa BMC na isinagawa sa harap ng nasabing ospital.

“Alam po namin itong mga complete sets po na ito mas kailangan po ninyo ito bilang mga frontliner lalo pa at kayo ay naka-duty sa ospital. Kami po ang in-charge sa labas para po hindi na magkahawa pero kayo po ang mas mabigat ang hinaharap, so we are turning over the medical equipment,” ani Cajipe.

Nagpahayag din ng suporta si Cajipe sa lahat ng mga health worker at sinigurado na ipagtatanggol sila kung kinakailangan.

Nagpasalamat din si Dr. Rawland M. Domingo, director ng BMC, sa donasyon ng Bulacan PPO na aniya’y napakalaking tulong para sa kaligtasan at seguridad ng mga frontliner habang nagsisilbi sa mamamayan mamamayan.(Jun Borlongan)

Tonite – Wendys Inhouse Ad