Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bulacan wanted buking sa helmet

0 65

Nabuko na nasa Top 4 most wanted person sa Bulacan at may kinakaharap na mga kaso ang isang lalaki na nasita dahil sa pagmamaneho nang walang helmet, kamakailan sa Sampaloc, Maynila.

Bukod sa walang suot na helmet, nalaman na peke rin ang lisensiyang gamit ni Mc Dainielle Manalang, nasa hustong gulang at residente ng Camella, Springville, Cavite.

Ayon kay P/ Lt. Col. Gene Licud, Station Commander ng Manila Police District-Police Station 4, nagpapatrolya ang kanyang mga tauhan nang mamataan nila ang isang lalaki sa panulukan ng España Boulevard at A.H Lacson St., sa Sampaloc noong Setyembre 19.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinita ang suspek dahil walang suot na helmet at nang makita ang lisensiya ay dinala sa presinto.

Nang beripikahin ang record, nalaman na si Manalang ay may standing warrant of arrest sa mga kasong estafa at anti-carnapping law sa Malolos City, Bulacan.

Nalaman din na si Manalang ay Top 4 most wanted person umano sa Bulacan.

Sinampahan rin ng MPD-PS4 ng kasong paglabag sa Art. 172 (Falsification by Private individuals and Use of Falsified Documents), at Art.178 (Using Fictitious Name and Concealing True Name) ang suspek sa Manila Prosecutor’s Office. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.