Abante Tonite Interactive

Bulag sa katotohanan

336

Dear Abante Tonite:

Pinatunayan na naman ni Joma Sison na siya at ang New People’s Army ang tunay na virus sa lipunan. Sukdulan ba namang sabihin na “premature” ang deklarasyon ni Pangulong Duterte ng ceasefire sa kanilang hanay at sa tropa ng pamahalaan.

Ipinapakita lamang ni Joma na sadyang wala siyang pakialam sa estado ng mamamayang Pilipino. Patunay ito na walang malasakit at konsiderasyon sa tao ang grupong ito.

Nagbubulag-bulagan sa katotohanan na nasa krisis ang Pilipinas maging ang ibang bansa dahil sa banta ng virus at dinadagdagan pa ng problema na hindi tanggapin ang iniaalok na kapayapaan ng gobyerno.

Kung sabagay, kalian ba naman naging kakampi ng taumbayan si Joma? Eh lahat ng ginagawa nila ay pasakit at pahirap sa sambayanan.

Kareen Asistio