Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bulakenyo buwis-buhay sa ninenok na motorsiklo

0 219

Isang motornapper ang napatay makaraang kumasa sa rumespondeng operatiba ng pulisya sa bayan ng San Ildefonso, Bulacan kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling araw.

Sa report kay P/Col. Lawrence B. Cajipe, Provincial Director ng Bulacan PNP, nakilala ang napatay na suspek na si Federico Sioson y Joson, taga-Barangay Tikay, Malolos City na namatay noon din bunga ng tama ng bala sa kanyang katawan.

Pasado alas 12:00 ng madaling araw kahapon nang makatanggap ng impormasyon ang tanggapan ni P/Major Russel Dennis E. Reburiano, acting Chief of Police ng San Ildefonso Municipal Police Station (MPS) hinggil sa isang kaso ng motornapping sa Barangay Makapilapil kaya agad rumenponde ang pulisya.

Sa halip na sumuko ang suspek, bumunot ito ng baril at nanlaban kaya napatay sa palitan ng putok at nang iproseso ng Bulacan SOCO team ang lugar ng engkuwentro ay nakuha sa napatay na suspek ang dalawang pakete ng shabu, driver’s license, isang caliber 38 revolver at narekober ang motorsiklong kinarnap ng suspek. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.