Abante Tonite Interactive

Bulakenyong tulak dedo sa buy-bust

By
7

Isang shabu pusher na armado ng shotgun ang napatay makaraang manlaban sa Drug Enforcement Unit (DEU) sa Malolos City, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang napatay na suspek na si Rolly Liwanag, nasa drug watch list ng pulisya at nakatira sa Talabahan St., Barangay Bagna, Malolos City na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Bandang alas-2:25 ng madaling-araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang Malolos City PNP sa bahay ng suspek at nang aarestuhin na ito ay biglang kumuha ng shotgun at nagpaputok.

Dito na napilitang gumanti ang awtoridad kaya napatay si Liwanag at nakuhanan ng anim na pakete ng shabu, isang improvised shotgun, drug pa­raphernalia at ang marked money na ginamit sa o­perasyon.