Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Bulaklak’ ni Rob, ‘Talong’ ni Sid masisilip sa Virgin Forest

0 222

NI: ROLDAN CASTRO

Hindi lang boobs, puwet ang mapapanood sa bagong pelikula ni direk Brillante Mendoza.

May frontal nudity rin sina Rob Guinto at Sid Lucero sa ‘Virgin Forest’. Pero litaw pa rin ang mahusay na acting ni Sid at makatuturan na mensahe ng movie.

Sa private screening , busog ang mata ng mga nakapanood sa mga sexy scene at mapangahas na eksena nina Angeli Khang, Vince Rillon, Sid Lucero, Katrina Dovey, Rob Guinto, Ivan Padilla,Michaela Raz, Chadd Solano, Markki Stroem atbp.

Ang kuwento ng ‘Virgin Forest’ ay tungkol sa isang photographer na makakadiskubre ng isang gubat na hindi lang puno ng mga mauusbong na halaman at puno, kundi pati na rin ng mga taong puno ng kasakiman at pagnanasa.

SM food to go Banner Ad

Si Francis (Sid Lucero),ay isang Photo-journalist na naatasang kumuha ng mga litrato ng ng isang bulaklak mula sa genus Rafflesia, may scientific name na Rafflesia Schandenbergiana. Isa itong parasitic plant na tumutubo sa Bukidnon at mas kilala sa tawag na Bo-o para sa Bogobo tribe. Tinatawag naman itong Kolon-Busaw ng Higaonon tribe.

Madidiskubre niya sa gubat hindi lang mga halaman, kundi pati na rin ng illegal logging operation at isang prostitution den.

Dito niya makikilala ang magkapatid na sina Angela (Katrina Dovey) at Karla (Angeli Khang) na parehong pinagtatrabaho bilang mga prostitute. Isusugal ni Francis ang kanyang trabaho at maging ang kanyang buhay upang mailigtas ang dalawang babae, bago maging huli ang lahat.

Mabighani sa kakaibang ganda ng kalikasan at alamin ang lihim ng “VIRGIN FOREST” sa June 24, sa Vivamax. Kasama rin sa pelikula sina Alma Moreno, Jao Mapa, Greg Hawkins at Allan Paule.

Panoorin ang ‘masakit’ na katotohanan sa pelikula.

Leave A Reply

Your email address will not be published.