Abante Tonite Interactive

Bulanadi, 70 pa huhusgahan

471

Huhusgahan na ang 71 aspirants sa 35th PBA Rookie Draft 2019 mamayang hapon sa Robinsons Place-Manila, Ermita.

Magkakaroon muna ng special draft ang limang nasa Gilas pool na sina Ateneo players Isaac Go at kambal na Matt at Mike Nieto, Allyn Bulanadi ng San Sebastian at Rey Suerte ng UE.

Ang order ng pilian sa special draft: Columbian, Blackwater, NLEX, Alaska, Rain or Shine.

Noong 2016, nagkaroon din ng special draft sa Gilas cadets sina Mac Belo, Matthew Wright, RR Pogoy, Jio Jalalon, Kevin Ferrer, Mike Tolomia Carl Bryan Cruz, Von Pessumal, Ed Daquioag, Russel Escoto, Arnold Van Opstal at Alfontzo Gotladera.

Sa regular draft noon, si Raph Banal ang top pick ng Blackwater.

Pagkatapos nito ay ang draft proper sa gayunding pagkakasunod-sunod: Columbian, Blackwater, NLEX, Alaska at RoS (mula Meralco).

Kabilang ang sa special draft, apat ang picks ng Elasto Painters sa first round. Hawak din nila ang No. 6 (mula Phoenix) at No. 7.

May dalawa sa round pa sa round 1 ang Dyip – No. 1 at No. 12, mula San Miguel.

Pagkatapos ng RoS sa No. 7, sunod sa No. 8 ang NorthPort, No. 9 Magnolia, No. 10 Ginebra at No. 11 TNT.

Ayon kay PBA media officer David Coros, mapapanood ang kaganapan sa PBA Rush ng Cignal simula sa alas-tres nang hapon at sa livestream sa PBA website na www.pba.ph umpisa naman sa alas-kuwatro nang hapon. (VE)