Abante Tonite Interactive

Bulanadi, Baste babawi sa Benilde

0 146

Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Centre, San Juan)
2:00 p.m. – CSB vs SSC
4:00 p.m. – UPH vs LPU

Muling iaarangkada ni Allyn Bulanadi ang San Sebastian Stags upang resbakan ang Benilde Blazers sa 95th NCAA men’s basketball tournament 2019 second round eliminations ngayong alas-2:00 nang hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nasa apat na ratsada ang Baste sa mabangis na pinapakita ni Allyn Bulanadi, huling nagpasiklab ng 22 points at 7 rebounds nang suwagin ng Quiapo-based dribblers ang host Arellano Chiefs nitong Biyernes, 85-69.

Tiyak na aasahan din ni coach Egay Macaraya sina JM Calma at RK Ilagan na umararo ng 17 at 12 markers upang kunin ang ika-apat na sunod na ragasa sa 10-eskuwelahang liga. At maiganti ng nasa fifth spot team ang 77-72 loss sa nasa ikaapat sa katayuan na CSB (6-3).

Buhat nga lang sa pagkadulas ang Taft-based dribblers sa 88-64 defeat sa Letran Knights, anim na araw pa lang ang nakararaan.

Pangunahing aangas sa Benilde sina Kendrix Belgica at Yankie Haruna na may 12 at 8 pts. sa last game nang buhatin sana ang koponan matapos gumawa ng 12 at 8 points.

Salpukan Perpetual Altas kontra Lyceum Pirates para sa huling laro ng double-header game mamaya. (Aivan Denzel Episcope)