Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bulanadi may kaba sa Aces

0 200

Saya at kaba!

Ito ang nararamdaman ngayon ni dating Gilas Cadet member Allyn Bulanadi sa pagsanib sa Alaska na sasalang sa Philippine Basketball Association.

“Siyempre excited na makasabay at makasama sila, pero may konting kaba rin kasi bagong team,” aniya sa Abante TONITE Huwebes.

Naghihintay na lang ng tawag sa pagsama sa ensayo ng Aces ang 24-year-old, six-footer guard.

“Wala pang ensayo. Bale nag-uusap pa sina coach Jeff [Jeffrey Cariaso] at assistant coach Danny [Danilo Ildefonso]. Naghihintay na lang ako ng go-signal nila,” hirit niya.

Pinanapos ni Bulanadi na magaling na ang kanyang shoulder injury at handa nang sumabak.

“Okay na yung injury ko. 100% okay na talaga kasi naglalaro na ako sa amin at kaya ko nang mag-skills. ‘Di na siya nakaka-bother [balikat] tulad nung dati.” (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.