Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bulkan ng Japan pumutok, debris umabot sa Batanes

0 126

Umabot hanggang sa Batanes ang ilang volcanic debris mula sa isang bulkan na pumutok kamakailan, ayon sa ulat.

Sinabi ng Phivolcs na ang mga dumapong pumice at volcanic ash sa Batanes ay nagmula sa pumutok na Fukutoku-Okanoba Volcano sa Japan.

Dahil sa insidente, inawat muna ng provincial government ang paglangoy at iba pang aktibidad sa Maydangeb Beach gayundin sa Hohmoren Cove sa Batanes.

Magiging sanhi naman umano ito ng abrasion at reduction of visibility sa dagat.

Leave A Reply

Your email address will not be published.