Abante Tonite Interactive

Bulkan sa New Zealand sumambulat, 22 na patay

369

Umakyat na sa 22 katao ang bilang ng mga nasawi sa pagsabog ng bulkan sa New Zealand.

Ito’y matapos matagpuan ang anim pang bangkay sa White Island.
Ang mga bangkay na pawang Australian national ay posibleng noong Lunes pa umano sa lugar kung kailan sumabog ang bulkan.

Dinala ang narekober na mga bangkay sa kalapit na isla sa eastern coast ng New Zealand kung saan naroon ang mga scientist, pulis at militar na nagmo-monitor sa pagsabog ng bulkan.

Dadalhin ang mga bangkay sa Auckland para sa medical examination at upang makilala ang mga ito.

Nabatid na popular ang bulkan sa White Island kaya maraming turista ang naroroon nang biglang sumabog ito noong Lunes. (Dolly Cabreza)