Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bulkang Bulusan, 80 ulit yumanig

0 53

Walumpong pagyanig ang naitala sa Bulkang Bulusan sa Sorsogon sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Martes.

Sa tala ng Phivolcs kahapon ay nagbuga ang bulkan ng 660 tons ng sulfur dioxide at dumaloy ang usok ng 300 metrong layo patungong west-southwest ng probinsya.

SM food to go Banner Ad

Bago ito ay 65 volcanic earthquakes din ang naiulat ng Phivolcs, Lunes ng gabi.

Sa ngayon ay nasa alert level 1 pa rin ang bulkan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.