Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bulkang Bulusan, Pinatubo 24 oras nagparamdam

0 204

Nakapagtala ng mga volcanic earthquakes ang Bulkang Bulusan at Pinatubo sa nakalipas na 24 oras na indikasyong nananatiling abnormal ang lagay ng mga ito.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nasa 35 pagyanig ang naitala sa Bulusan habang 33 naman sa Pinatubo.

Bukod sa mga volcanic earthquake ay nagkaroon din ng paglabas ng usok habang nasa 48 tonnes ang antas ng asupre.

SM food to go Banner Ad

Patuloy din ang naoobserbahang pamamaga sa mataas na bahagi na indikasyong may aktibidad ng magma sa loob ng bulkan.

Ang Bulkang Bulusan at Pinatubo ay nanatiling nasa alert level 1 at ipinagbabawal ang pagpasok sa four-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng mga ito.

Subalit wala naman umanong nakikita ang Phivolcs na posibleng pagsabog ng dalawang bulkan. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.