Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bulkang Taal 20 beses yumanig

0 174

NAKAPAGTALA ng 20 volcanic quakes ang Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras at pagbuga ng usok na may taas na 5 metro.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bagamat nakapagtala ng mas maraming mga pagyanig ang bulkan ay mananatili pa rin sa Alert Status 1 ang alert level nito.

Pinayuhan ng ahensya ang mga residente partkiular sa Taal Volcano Island (TVI) na manatiling alerto dahil ang Alert 1 ay nangangahulugan ng abnormalidad nito at anumang oras ay maaaring magkaroon ng pagbuga ng abo, paglabas ng volcanic gas at pagsabog. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.