Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bulkang Taal 383 beses yumanig

0 270

PATULOY ang monitoring na ginagawa ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Taal Volcano sa Batangas na nakapagtala ng mataas na bilang ng volcanic earthquake sa nakalipas na 24 oras.

Sa report ng Phivolcs sinabi nito na 383 volcanic earthquakes ang nairecord sa Taal Volcano. Sa naging pagyanig, 238 dito ay tumagal ng isa hanggang 12 minuto.

Naobserbahan din na may mainit na volcanic fluids sa bunganga ng bulkan at nagbuga ito ng abo na may taas na 300 metro habang nasa 71.8 ang temperaturang naitala na indikasyong may magma na namuuo sa loob nito.

Mananatili pa rin ang Alert Level 2 at wala pang basehan para itaas ang alert status level nito. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.