Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bulkang Taal bumuga ng toxic gas

0 247

Nananatili pa rin ang alert level 2 sa Taal Volcano matapos makapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng Department of Science and Technology (DOST) ng kabuuang 51 volcanic earthquakes, sa nakalipas lamang na 24 oras.

Ayon sa DOST-Phivolcs, kabilang sa naitala ang 43 volcanic tremor na tumagal ng isa hanggang 17 minuto, 8 low frequency volcanic earthquakes at low-level background tremor.

Sinabi rin ng DOST-Phivolcs na nagkaroon rin ng mahinang pagsingaw, na may taas na 5-metro mula sa mga fumaroles o gas vents sa Main Crater ng bulkan.

“Ang pagbuga ng sulfur dioxide o SO2 ay humigit-kumulang 1097 tonelada kada araw noong ika-17 ng Abril, 2021,” anang DOST-Phivolcs.

Huli anilang nasukat sa lawa ng Main Crater ang mataas na temperatura na 71.8ºC noong Marso 4, 2021 at acidity na may pH 1.59 noong Pebrero 12, 2021 naman.

Dagdag pa nito, ang sukat ng ground deformation ng bulkan gamit ang electronic tilt, continuous GPS at InSAR monitoring ay patuloy na nakakapagtala ng marahan na pamamaga ng kalakhang Taal, mula nang sumabog ang bulkan noong Enero 2020. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.