Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bulkang Taal bumuga

0 159

Nagbabala muli kagabi ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na dapat higpitan ang pagbabawal sa pagpasok ng mga tao sa isla ng Bulkang Taal matapos na makapagtala sila ng pagsabog nito.

Ayon sa Phivolcs, may naitalang pagsabog ng bulkan dakong alas-2:26 nang madaling-araw nitong Biyernes na nagdulot ng makapal na usok na umabot ng 500 metro ang taas.

SM food to go Banner Ad

Inihayag ni Phivolcs Director Renato Solidum Jr. na delikado ang sitwasyon sa isla na kinaroroonan ng Bulkang Taal dahil sa posibilidad ng pagsabog nito.

Nabatid pa na sa nakalipas na 24 oras ay nakapagtala umano ang Phivolcs ng dalawang pagyanig mula sa bulkan na tumagal din ng dalawang minute.

Nakataas pa rin, ayon sa Phivolcs ang alert level 2 sa Bulkang Taal dahil sa patuloy na aktibidad nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.