Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bulkang Taal nagbabantang sumabog – Phivolcs

0 520

Sa loob ng isang buwan ay nasa 2,015 na ang naitatalang volcanic earthquake sa Bulkang Taal, indikasyon ng abnormal na lagay nito na posibleng sumabog anumang oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang nasabing bilang ay nairekord mula Pebrero 21. Sa mga naitalang pagyanig, 18 ang tinuturing na hybrid earthquake o malalakas na lindol habang 734 ang low-frequency volcanic earthquakes.

“harmonic tremor associated with magma migration became the dominant type of earthquake since March 19, 2021, after Taal Volcano’s ongoing unrest began on February 13. Most earthquake events occurred at shallow depths of less than two kilometers, although some large earthquakes were generated in the deeper two- to six-kilometer region beneath the Taal Volcano Island (TVI) edifice,” paliwanag ng Phivolcs.

Kapansin pansin din umano ang ground deformation sa Taal Caldera region, ang pamamaga ng bulkan sa nasabing lugar ay indikasyon na mayroong namumuong magma sa loob.

“This increases the possibilities of magmatic eruption,” babala ng PHIVOLCS. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.