Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bulkang Taal sumingaw, 29 lindol naitala

0 167

Muling nakapagtala ng 29 volcanic earthquakes ang Bulkang Taal, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology base sa nakalipas na 24 oras.

Kabilang anila rito ang 23 volcanic tremors na tumagal nang mula isa hanggang 12 minuto, anim na low frequency volcanic earthquakes, at low-level background tremor.

Ayon pa sa Abril 25 bulletin ng Phivolcs, naitala rin ang mahinang pagsingaw, pagbuga ng sulfur dioxide, at marahan na pamamaga ng naturang bulkan.

Paalala ng ahensya, kasalukuyan pa ring nakataas ang Alert Level 2 sa Taal Volcano.

Sa Alert Level 2, maaaring biglaang maganap at manalasa ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na pagbuga ng volcanic gas sa mga paligid ng Taal Volcano Island o TVI.

Leave A Reply

Your email address will not be published.