Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bulkang Taal tuloy sa pag-alboroto

0 53

Patuloy pa rin sa pag-aalboroto ang Bulkang Taal Volcano kung saan nagbubuga pa ito ng sulfur dioxide (SO2) na nagdudulot ng hazardous volcanic smog o “vog” sa paligid nito, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Nabatid sa Phivolcs, base na rin sa ginawang pagsukat kamakalawa ng ahensya, ang SO2 emission ng Taal ay may average na 4,2620 tonelada.

Bagama’t nagpaparamdam ang nasabing bulkan ay wala namang natukoy na volcanic earthquake sa magdamag.

Sa kasalukuyan ay nananatili sa alert Level 2 ang bulkan simula pa noong Hulyo 23, 2021.

Leave A Reply

Your email address will not be published.