Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bulkang Taal tuloy sa pag-alburuto

0 80

Nananatili sa Alert Level 1 ang bulkang Taal sa kabila ng pagtaas ng bilang ng pagyanig sa paligid nito.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology nitong Sabado, sa nasabing level o antas ng Taal, posible ang biglaang pagsingaw, pagsabog, mga lindol sa bulkan, minor ashfall at nakamamatay na paglabas ng volcanic gas nito.

Ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa Taal Volcano Island at sa tinuturing na permanent danger zone.

Noong nakaraang linggo ay inilikas na ang mga residente sa Taal Island bilang pag-iingat laban sa biglaang aktibad ng bulkan.

Nitong Sabado, sinabi ng Phivolcs na nakapagrehistro sila ng 130 pagyanig ng bulkan sa nakalipas na 24 oras, na may tagal na isa hanggang limang minuto. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.