Abante Tonite Interactive

Bulldogs nilampaso ng Maroons

130

Inilista ng defending champion UP ang ikala­wang sunod na panalo nang ilampaso ang NU 4-0 sa UAAP Season 79 men’s football sa Rizal Memorial Stadium kahapon.

Sa magkasunod na goals ni Jeremiah Borlo­ngan sa 22nd at 27th mi­nutes ay nagpundar ang Maroons ng 2-0 lead, bago dinagdagan ng tig-isa pa nina King Miyagi at James Condat sa second half para selyuhan ang panalo ng mga taga-Diliman.

Sa isa pang laro, binokya rin ng De La Salle ang UE 2-0 tungo sa four points.

Nakasungkit ng full points ang DLSU matapos makapuwersa ng scoreless draw kontra UP sa season-opener.

Sa lone game noong Sabado, dinomina ng FEU ang Adamson 4-0 para umangat sa six points kaakbay ang Ateneo at UP sa tuktok.

Sa pagsisimula ng women’s competitions, sinorpresa ng Lady Eagles ang reigning champions Lady Maroons 1-0 at naungusan ng UST ang FEU 2-1.