Abante Tonite Interactive

Bulldogs pinutulan ng Tams

By
4

Tumibay sa second spot ang Far Eastern University matapos suwagin ang 2-1 panalo laban sa National U kahapon sa UAAP Season 79 men’s football sa Rizal Memorial Stadium.

Tinuldukan ng Tamaraws ang three-game winning streak ng Bulldogs nang isalpak ni Audie Menzi ang panelyong puntos sa 53rd minute.

Si Alex Rayos ang ­unang umiskor para sa FEU sa 14th bago sumagot si Lawrence Colina ng panabla makalipas ang 8 minutes.

May 18 puntos ang Tamaraws, napako sa 10 ang Bulldogs.

Sa women’s play noong Sabado, nagdeliber si Kyla Inquig ng importanteng puntos sa 85th minute at kinalos ng De La Salle ang FEU, 1-0.

Uminit naman si Charisa Lemoran para bitbitin ang UST kontra Ateneo 3-2.

Kapit ng Tigresses ang second spot sa 9 points.

Nasa No. 3 ang Lady Eagles na nabigo ng dalawang sunod.