Abante Tonite Interactive

Bullecer, Cruz ng LGBA uuna

174

Sa Pasay City Cockpit ang sagupaan ng “PFGB Digmaan 11-Stag National Derby” may pambihirang premyong P70 milyon, ngayon, Lunes Dec. 9.

Humatak ng 5,941 entries ang Digmaan nitong nakaraan taon at kampeon sina Rhona Bullecer at Mark Cruz ng LGBA (Super Cailey), TJ Pua (Bravo) at Richie Obordo (RRNZ).

Mangunguna ang Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) sa 4-stag semifinals ngayon hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

“It’s a big task for our group to emerge as back to back Digmaan champion,” ani LGBA president Nick Crisostomo.

Sa Biyernes, Dec. 13, ang finals ng mga umiskor ng 4, 4.5, 5, 5.5 at 6 points sa Pasay Cockpit habang Dec.16 ang laban ng may 6.5 points at 7 points sa Manila Arena.

Samantala, bida ang Tarlac VY ni Rep. Vic Yap at Romulo Balbalin ng Itogon, Benguet bilang team champion at individual champion, ayon sa pagkakasunod sa “Encuentro Big Event 5-Stag Derby Part 4” noong Biyernes. (Enjel Manato)