Abante Tonite Interactive

Bullock binarat ng Knicks

345

Una nang pumayag si Reggie Bullock sa two-year, $21 million contract sa New York Knicks, pero biglang naiba ang ihip ng hangin.

Sa Knicks pa rin siya, pero mas mababa na ang tatanggapin.

Halos ubusin na ng New York ang natitirang salary cap space kay Marcus Morris na binigyan ng one-year, $15 million contract, ang naiwan na lang ay $4,767,000 para kay Bullock.

Hindi pa niya makukuha lahat ng ‘yun.

“Reggie Bullock has signed a 2-year deal with the Knicks for less than the $4.7 million exception,” ani Ian Begley ng SportsNet New York.

Mula kay Marc Berman ng New York Post:

“Reggie Bullock has signed an agreement with Knicks for two years with a team option for second year, per source. The reworked deal has him taking less than the $4.8M room exception.”

Kuwarta na, naging bato pa. (VE)