Abante Tonite Interactive

Bullpups balik sa UAAP high school volley finals

By
5

Mga laro ngayon (UST Quadricentennial Pavilion Arena)
1:00 p.m. — De La Salle-Zobel vs. UST (girls semis)
3:00 p.m. — UST vs. UE (boys semis)

Sinagpang ng defending champion National U ang unang tiket sa boys championship ng UAAP Season 79 high school volleyball nang ipagpag ang FEU-Diliman 25-18, 25-20, 25-23 sa NU gym nitong Martes.

Sa sariling teritoryo, natisod ang top-ranked Bullpups sa opening set pero nagising at hindi nagpabaya sa next three para sipain ang No. 4 Baby Tamaraws.

Hihintayin ng NU sa finals ang winner sa isa pang Final Four pairing sa pagitan ng No. 2 UST at No. 3 UE. Isang panalo lang ang kailangan ng Tiger Cubs para umabante sa best-of-three title series.

Sa girls division, tatangkain ng UST ang huling silya sa Finals laban sa De La Salle-Zobel mamayang hapon. Win-once lang din ang Junior Tigresses.

Winalis ng three-peat seeking NU ang 12 elimination round matches para dumiretso sa championship.