Abante Tonite Interactive

Bulls umamo kay Giannis

171

Muling nagliyab si Chicago rookie Coby White, pero may pamatay-sunog na nagnga­ngalang Giannis Antetokounmpo ang Milwaukee.

Nag-deliver si Antetokounmpo ng 38 points at 15 rebounds, umayuda si Eric Bledsoe ng season-high 31 points at 8 assists, at pinaamo ng Bucks ang Bulls 124-115 Huwebes ng gabi sa 74th NBA 2019-2020 regular game.

Mula 3-point range ay 5 for 8 si White sa first half, naging youngest player sa NBA history na may limang 3-pointers sa magkasunod na laro.
Naglista ng NBA rookie record ang 19-year-old na seventh pick overall noong June sa ibinaon na pitong 3s sa fourth quarter ng 120-102 win laban sa New York Knicks.

Kontra Milwaukee, tumapos si White ng team-high 26 points mula sa anim na 3s.

Maangas din si reigning MVP Anteto­kounmpo, naka-30-plus points sa pitong laro ngayong season.

Pinag-start ng Bucks si Donte DiVincenzo kahalili ni Khris Middleton (thigh bruise) at nagsumite ng 4 points, 4 rebounds.

May 25 points at 7 assists si Zach LaVine bago na-fouled out sa Chicago. (VE)