Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bully pinasirit dugo sa leeg

0 82

Patay ang isang lalaki matapos itong saksakin sa leeg ng kainuman niya na naasar umano sa pagiging bully nito sa Biñan City, Laguna noong Sabado.

Idineklarang dead on arrival sa Ospital ng Binan ang biktimang si Edzel Ducanes dahil sa tinamong malalim na sugat sa leeg.

Batay sa imbestigasyon ng Binan City police, nakikipag inuman ang suspek na si Allan Fuentes sa kaibigang si Roel Vistan sa kanilang lugar sa Barangay Sto Domingo nang dumating at makisali ang biktima.

Nang nakainom na, hinamon at pinagtripan umano ng biktima ang suspek hanggang mauwi sila sa mainit na pagtatalo.

Umuwi sa bahay ang suspek subalit bumalik ito na armado na ng patalim. Agad umano nitong sinugod ang hindi na nakaiwas na biktima at inundayan sa leeg.

Nalagutan ng hininga ang biktima bago pa man ito naisugod sa ospital samantalang naaresto naman ang suspek sa follow up operation ng pulisya.(Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.