Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bully sa basketball, sinakyod ng bote

0 82

Kritikal ngayon ang isang lalaki matapos saksakin ng patalim ng kalugar nang magkapikunan habang nanonood ng basketball Martes ng gabi sa bayan ng Leon, Iloilo.

Nakaratay dahil sa tinamong saksak sa tiyan ang biktimang si Bryan Jose Capanang, 25. Samantala, matapos namang lapatan ng lunas dahil sa tinamong saksak mula sa basag na bote sa braso ay nakapiit na ngayon ang suspek sa istasyon ng pulisya.

Sa ulat ng Leon Municipal Police Station (MPS), naganap ang insidente pasado alas-10:00 ng gabi sa Barangay Gumboc, ng nabatid na bayan kung saan ginaganap ang isang paliga ng basketball.

Napag-alaman na sumusuporta sa magkahiwalay na team ang suspek at biktima dahilan upang magkaasaran ang dalawa at i-bully umano ang isa’t isa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nanalo ang team ni Capanang at itinuloy ito sa isang inuman kasama si Calaor.

Habang nag-iinuman ay hindi pa rin natapos ang asaran ng dalawa hanggang sa magkapikunan.

Nagbasag ng bote ng beer si Capanang at sinaksak si Calaor na tinamaan sa braso.

Gumanti naman si Calaor at sinaksak ng patalim sa tiyan si Capanang na duguang bumagsak sa lupa. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.