Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bulok na serbisyo ng Prime Water-Mabalacat City

0 199

Dati rati, maganda ang serbisyo ng Mabalacat City Water District sa Pampanga. Malinis ang tubig at mabilis ang pagtugon sa reklamo ng kanilang mga konsumer.

Pero dalawang taon mula nang magkaroon ng joint venture agreement (JVA) ang water district sa Prime Water na alam naman ng lahat na pag-aari ng mga Villar, nag-iba na ang ihip ng hangin. Sumama na ang serbisyo nito.

Sa sumbong ng mga Mabalaqueno sa akin, [kahit ako mismo ay nabubuwisit din sa kanilang serbisyo dahil residente ako ng city na ito], kung dati rati raw ay nagagamit nila ang tubig sa pagluluto ngayon ay hindi na dahil nga hindi sila sigurado kung malinis ang tubig na dumadaloy sa kanilang mga gripo.

Kasi ba naman, may discoloration sa water supply. Siguro dahil araw-araw silang nagpa-flushing kaya nag-iiba ang kulay ng tubig na parang kulay kalawang. Kaya talagang hindi na puwedeng gamitin sa pagluluto ang tubig.

May ilan namang nagsabi na pati ang kanilang mga labada ay nag-iiba ang kulay dahil sa tubig na lumabas sa kanilang gripo. Kaya kung puti ang damit na nilalabhan mo magiging dirty white na ito dahil sa epekto ng maruming tubig ng Mabalacat-Prime Water.

May pagkakataon pang habang naliligo ako, kulay kalawang ang tubig na lumabas sa gripo kaya ang resulta, nangati ang balat ko after kong maligo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa pagkakaalam ko, kapag may joint venture na ganito, nakakatulong ito para bumuti pa ang serbisyo. Pero sa sitwasyong ito sa Mabalacat City, parang hindi nakabuti ang JVA na ito. Sa totoo lang nakasama pa.

Dati rati kasi talagang malinis ang tubig. Puwede mo ngang inumin dahil alam mong safe at malinis. Pero ngayon ni hindi mo nga magamit na sabaw sa sinigang o nilaga. Kailangang gamitin ang purified water just to make sure na malinis ang pagkaluto ng iyong mga kakainin.

Hindi nga rin namin alam kung ang tubig na ito ay dumadaan sa testing o pagsusuri tulad ng ginagawa sa mga nagnenegosyo ng water purifier. May family relative kami na ganyan ang negosyo at required silang magpasuri ng kanilang tubig kada tatlong buwan.

Bukod diyan, hindi rin sila maagap sa pagtugon sa mga reklamo ng mga konsumer tulad ng reklamo sa mga leak sa tubig. Magrereklamo ka over the phone pero hindi naman tinutugunan kaagad. It takes several days pa pago puntahan ang pinagmulan ng leak ng tagas ng tubig.

Noong araw, kapag tumawag ang konsumer para ireklamo ang tagas ng tubig, on that day mismo, reresponde ang kanilang mga tao at aayusin ang problema. Pero ngayon, maghihintay ka nang mahabang panahon bago tugunan ang iyong reklamo.

Alam natin na malaki ang demand ng tubig sa ngayon dahil patuloy ang pag-unlad ng lungsod. So sana naman, kasabay nang expansion at rehabilitation ay ayusin ang serbisyo sa tao lalo na ang pagbibigay ng malinis na tubig para sa mamamayan.

Ang tubig ay buhay at mandato ng Mabalacat Ciy-Prime Water na mabigyan ng sapat at malinis na tubig ang iyong mga residente.

Leave A Reply

Your email address will not be published.