Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bultong frozen mackerel nasabat

0 123

Dalawang 40-foot containers na naglalaman ng frozen mackerel scad ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs’ (BOC).

Katuwang ng BOC ang Manila International Container Port (MICP), Enforcement and Security Services (ESS), Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS), Piers and Inspection Division (PID) at Formal Entry Division (FED) na nakadiskubre sa kargamento na nakalista sa pangalang Hightower Inc. noong December 2 kung saan naglalaman umano ito ng frozen squid.

SM food to go Banner Ad

Ang mga frozen squid ay illegal na kinuha ng Electronic Tracking ng Containerized Cargo (ETRACC) GPS Seal na walang abiso mula sa BOC kaya nagsampa sila ng kasong grave violation sa ilalim ng Customs Memorandum Order (CMO) No. 04-2020.

Nabatid na mula sa deklaradong frozen squid ay frozen mackerel ang laman kung saan iniutos ni MICP District Collector Romeo Allan R. Rosales na magsagawa ng full inventory sa mga goods na nasa loob ng cold storage facility sa Parañaque City. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.