Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bulungan ng mga puno narinig habang palapit ang bagyo

0 99

Mga ka-Misteryo, may mga taong may kakayanang makausap at makarinig ng mga halaman at punungkahoy

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Ngayong nagkasunud-sunod ang mga bagyong tumama sa Pilipinas, laging naririnig ni Maui ng Marikina ang tila nagbubulungan sa paligid niya kahit disoras na ng gabi.

Noong una inakala lang ni Maui na may mga kapitbahay lang siyang nag-uusap pag may parating na bagyo pero kalaunan, napansin niya hindi galing sa tao ang mga boses na kanyang naririnig…mula pala sa mga punungkahoy sa kanyang paligid.

Misteryo: “Paano mo sila naririnig? Dinig mo ba sa tenga mo o kaya baka naman sa pamamagitan din ng psychic ability mo. Meron kasi tayong psychic ability na tila naririnig natin pero yun pala ay telepathy.”

Maui: “Dinig ko sa tenga ko kaya nga nagtaka ako galing sa mga puno ang mga bulungan.”

Misteryo: “Sa tuwing kailan mo sila naririnig? Tama ba sinabi mo tuwing may parating na bagyo?”

Maui: “Oo tama tuwing may parating na bagyo. Para silang kinakabahan o nababahala. Baka marahil inisiip nila masisira sila ng kalamidad.”

Misteryo: “Pero naririnig mo lang di ba? Clairaudient ka sa kanila. Nag-try ka ba na kausapin sila?”

Maui: “Hindi eh saka hindi pa ako ready sa ganun. Pero malay mo someday makausap ko sila. Medyo excited din ako kasi nature lover ako.”

Misteryo: “So nararamdaman mo habang naririnig mo mga puno na takot sila pag may bagyo.”

Maui: “Yes. Very clear ang naririnig ko sa kanila nga galing. Baka nga kasi takot silang masira ng bagyo.

Ang abilidad ni Maui bilang clairaudient ay maaari ding maranasan ng iba. Yan ang paraan din para malaman natin ang emosyon ng mga halaman at punungkahoy.

Para sa inyong mga kuwentong Misteryo, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.