Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bulungan sa kabilang dimensyon, naririnig

0 98

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo, nakita niyo na ba kung ano ang hitsura ng kabilang daigdig o dimensyon? Sa karanasan ni Rolly ng La Union para sa kanya magkahalong maganda at pangit ang kabilang dimensyon.

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Minsan sumangguni si Rolly sa isang faith healer para ikonsulta ang kanyang kakaibang nararamdaman na biglang nangingilabot at may mga naririnig siyang mga bulungan mula sa hindi niya malaman na nilalang. Ito ang inusisa ng #Misteryo kay Rolly.

Misteryo: “Kailan nagsimula ang ganitong karanasan mo?”

Rolly: “Mula nang magkasakit ako at nagtuluy-tuloy nang gumaling na ako. May oras naririnig ko may nagbubulungan sa paligid ko pero hindi ko naman nakikita.”

Misteryo: “Mukhang interesting ang experience mo ah. Baka naman ang naririnig mo bulungan ng mga tao sa di kalayuan. Ang alam ko may ganyan na abilidad sobrang lakas ng pandinig.”

Rolly: “Hindi ganun eh. Ok lang sana kung ganun pero ang naririnig ko ibang lengguahe o salita. Parang hindi dito sa daigdig natin. Inisip ko nga baka taga-ibang planeta pero nakakatawa lang.”

Misteryo: “Ok so anong nangyari nang magpasaklolo ka sa faith healer? Nalaman mo ba kung ano yang naririnig mo?”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Rolly: “Oo at ipinakita niya kung ano ang mga naririnig ko. Ipinasilip niya sa akin ang kabilang dimensyon. Magkahalong magaganda at pangit ang mga nilalang.”

Misteryo: “Paano niya ginawa yun sayo? Nag-astral travel ka ba o lumabas ng katawan?”

Rolly: “Hindi ganun eh. Hindi ba pag astral, lalabas ng katawan ang kamalayan at kakambal ng katawan natin sa astral world? Hindi ganun ang naranasan ko.”

Misteryo: “So paano ang ginawa sayo?”

Rolly: “Pinaupo ako, pinagrelax, nagmeditasyon saka biglang unti unti kong nakikita ang kakaibang lugar na hindi dito sa lupa. Gising ang diwa ko sa pisikal pero may nakikita ako sa astral.”

Misteryo: “Napatunayan mo bang sila sa kabilang dimensyon ang mga naririnig mo?”

Rolly: Oo nakita ko habang may nag-uusap na mga nilalang ay naririnig ko sila.”

Kakaibang abilidad meron si Rolly at hindi ito para sa lahat. Bagaman magkakaibang abilidad ang meron tayo, dapat nating isaisip na makatutulong tayo sa kapwa kung kina kailangan.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.