Abante Tonite Interactive

Bumabalik na kalapati

By
230

Good day po, napanaginipan ko po na isa sa mga kalapati ko ang lumilipad pabalik sa akin. Dati po akong nag-alaga ng kalapati pero ngayon po ay wala na.

Ang kalapati ay itinuturing na good omen. Sinisimbolo nito ang katahimikan, kapayapaan, pagiging kalmado, pagtanggap at kaliwanagan. Ikinokonek din ang kalapati sa good health, kasaganaan at good thoughts. Kung puti naman ang kalapati, purity, innocence, love at spirituality ang ­sinisimbolo nito.

Ang panaginip mo na lumilipad patungo sa iyo o bumabalik sa iyo ang kalapati mo ay isa ring magandang senyales. Kung marami ang kalapati, mas positibo ang indikasyon nito.

Ang kalapati ay itinuturing din na tagapaghatid ng balita. Balikan mo ang panaginip mo, ano ang naramdaman mo nang makita mong palipad sa iyo ang kalapati? Nakaramdam ka ba ng excitement o pagiging masaya? Kung naging masaya ka habang lumalapit sa iyo ang kalapati, good news ang sinasabing mensahe nito.

Pag-aralan mo rin ang sitwasyon mo sa kasalukuyan. May malaking pangyayari ba halimbawa sa iyong lovelife? Kung ang nakita mong kalapati ay nag-iisa, sa isang relasyon ay may kalungkutan itong hatid dahil mag-isa na lamang ang kalapati. Pero kung ikaw naman ay naghahanap pa ng partner sa buhay, maaaring ang kalapati ay maging simbolo ng isang paparating na partner sa buhay. At maaari ring ang subconscious mo mismo ay sinasabing may hinihintay kang dumating sa iyong buhay.

Kung sa iyong lovelife ang nakikita mong koneksyon ng iyong panaginip, kung nag-iisa ang kalapati ay itinuturing itong indikasyon na may mahalaga kang hakbang na kailangang gawin. Kung sa iyong lovelife ay nagkaroon ng pagkakagalit, maaari mong ikonek ang bumabalik na kalapati sa iyong partner sa buhay. Puwede itong maging simbolo ng pagbabalik ng iyong mahal. Pero kasabay nito, ay maaari rin namang sumisimbolo sa freedom ang iyong kalapati – paglaya ba ito patungkol sa sarili mo o pagpapalaya sa taong mahal mo?

Maraming puwedeng maging kahulugan ang ating mga nagiging panaginip pero sinumang eksperto ay nagsasabing ang taong nanaginip – ikaw – pa rin ang makapagbibigay ng pinakamalapit na kahulugan nito sa iyong buhay.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.