Abante Tonite Interactive

Bumabatak ng shabu sa CR ng NAIA, arestado

By
1,657

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-ASG) ang isang 30-anyos na lalaki matapos maaktuhan na bumabatak ng shabu sa loob ng comfort room sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Vincent Apion Pascual, residente ng 15th Street Corner 2nd Street, Villamor Airbase, Pasay City at walang trabaho.

Base sa imbestigasyon ni SPO3 Dennis Ragma PNP-ASG, dakong alas-9:20 nang umaga noong Linggo, nagsumbong ang janitor na si Danny Pones na naka-assign sa comfort room sa arrival area ng Terminal 3 dahil nagkulong ng ilang minuto sa loob ng cubicle ang suspek dahilan para maabala ang ibang gagamit nito.

Nang lumabas sa cubicle ang suspek nakita ng janitor na nagtapon ito ng isang bagay sa basurahan at nang tingnan kung ano ang itinapon ay nakita ang mga paraphernalia na sa paggamit ng shabu kabilang na ang aluminum foil at sachet na pinaglagya ng nasabing iligal na droga.

Agad na isinumbong ng janitor sa mga pulis ang suspek kaya inaresto ito.