Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bumangga sa gutter, rider kumalat utak

0 84

Kumalat ang utak ng isang rider nang banggain nito ang gutter sa Quezon City nitong Biyernes ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Angelo Abrera, nasa hustong gulang, residente ng Barangay Paraiso, QC.

Base sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 1, dakong alas-1:20 ng madaling-araw kamakalawa nang maganap ang aksidente sa Del Monte Avenue sa kanto ng Aragon Street, Barangay Paltok ng nasabing lungsod.

Sa kuwento ng mga nakasaksi sa aksidente, sakay ng Yamaha Aerox motorcycle ang biktima at habang binabagtas nito ang nabanggit na kalsada ay bumangga ito sa gutter dahilan upang sumemplang ang motorsiklo nito.

Dahil sa lakas ng impak ay tumilapon si Abrera nang ilang metro at tumama ang kanyang ulo sa semento na sanhi ng agad niyang kamatayan.

Nabatid na walang suot na helmet ang biktima nang siya ay maaksidente. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.