Abante Tonite Interactive

Bumangon sa kabaong

601

Dear Dream Catcher,
Nanaginip po ako na may nakita akong dalawang kabaong. Tapos ‘yun pong sa isang kabaong ay biglang bumangon ang isang lola. Ano po kaya ang kahulugan noon?
Luzminda

Luzminda,
Ang panaginip tungkol sa kamatayan ay sumisimbolo sa pagsisimula. Tulad sa chapter ng isang lib­ro, may nagtatapos at muling magbubukas ang bagong kabanata. Ang kamatayan ay hindi nangangahulugan ng pagkamatay, sa halip simbolo lamang ito ng isang pagtatapos at sa bawat pagtatapos ay nagkakaroon ng bagong pagsisimula.

Maaring sa iyong aktuwal na buhay ay merong bahaging kaila­ngan mo nang isara. Maaaring ito’y isang pangit na bahagi ng buhay na gusto mo nang tuldukan. Puwedeng ihalimbawa rito ang isang relasyon na gusto mo nang tapusin at isang bagong pag-ibig na gusto mo namang papasukin.

Sa iyong panaginip, nakita mong bumangon ang isang patay na nasa kabaong. Ang pagbangon ng patay ay sumisimbolo sa isang restoration. Kung ikokonek mo ito sa aktuwal na buhay, may isang nasira o may isang nawala na muling marerekober. Halimbawang sa aktuwal na buhay ay nawalan ka ng trabaho, ang iyong panaginip ay puwedeng indikasyon na may nakikita ka nang kapalit sa iyong nawalang trabaho.

Related Posts

Dahil ang kabaong o ataul ay indikasyon na dapat mo nang ibaon o ilibing sa limot ang isang nabubulok o hindi magandang bahagi ng iyong buhay, maaari mong bigyan ng interpretasyon ang iyong panaginip bilang mensahe ng iyong subconscious. Meron ka nang dapat itiklop sa buhay mo para muling magkaroon ng bagong buhay o bagong kabanata. Maaring isa itong mensahe na kaila­ngan mo nang mag-move on at kung para saan ang mensaheng ito ay ikaw lamang ang makakatukoy.

Dream Catcher

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.