Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bumatak bago nagpinta, 2 kinalaboso

0 71

Arestado ang dalawang pintor na suma-sideline sa pagbebenta ng shabu at umaming gumagamit muna bago magpinta matapos mahuli sa ikinasang buy bust operation kamakalawa sa Barangay Nangka, Marikina City.

Nakilala ang mga suspek na sina Romeo Librado y Pangyarihan, 53, college graduate at Nestor Santos y Librado, 47, kapwa taga-Marikina City.

SM food to go Banner Ad

Inaresto ang dalawa matapos ang buy bust operation sa Kabayani Road, Barangay Nangka, alas-11:20 Huwebes ng gabi.

Ikinasa ng mga tauhan ng station drug enforcement unit (SDEU) ng Marikina Police ang buy bust at nakumpiska sa dalawa ang 4 plastic sachet ng shabu na nagkakahalagang P13, 600.00 at P500.00 buy-bust money. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.