Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bumbay binaunan ng 2 bala sa ulo

0 272

Todas ang isang Indian national nang dalawang uli na malapitang barilin sa ulo ng isang lalaki na sakay ng motorsiklo sa Cubao, Quezon City nitong Miyerkules ng madaling-araw.

Ang biktima ay nakilalang si Harpreet Singh Maan, 32, may-asawa, taga-Block 3 Lot 3, Hillside St., Metro Homes, San Juan City.

Sa inisyal na report sa Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ika-4:20 ng umaga,\ nang maganap ang pamamaril sa kanto ng Benitez at Banahaw Sts., Brgy. San Martin De Porres.

Ayon sa saksing si Robert Medio, tinutulungan niya ang biktima sa pagpapalit ng flat tire ng silver Toyota Revo ( XSP 916) nang sumulpot ang di-kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo at dalawang ulit na pinaputukan ang bumbay sa ulo.

Dahil sa takot ay nagtatakbo si Medio at humingi ng saklolo sa mga opisyal ng barangay

Subalit patay na ang biktima nang dumating ang mga ito.
Patuloy pang nagsasagawa ang imbestigasyon ang mga awtoridad sa motibo ng pamamaril at inaalam pa kung nakunan ng CCTV footage ang insidente. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.