Abante Tonite Interactive

Bumbay nilikida sa Sorsogon

By
2,024

Patay ang isang negosyanteng Indian national makaraang tambangan at pagbabarilin ng dalawang armadong lalaking riding-in-tandem kahapon ng umaga sa bayan ng Casiguran, Sorsogon.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa katawan ang biktimang nakilalang si Singh Harte, may negosyong 5-6 na lumilinya sa nasabing bayan.

Sa ulat na ipinadala ni Sr. Insp. Ma. Luisa Calubquib, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 5, naganap ang insidente dakong alas-11:00 ng umaga sa kahabaan ng Sitio Lubas, Barangay Boton ng nabatid na bayan.

Lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo at binabagtas ang nabatid na lugar nang bigla na lang itong pagbabarilin ng ­dalawang suspek na sakay din ng isang ­motorsiklo.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang mga suspek patungo sa hindi batid na lugar at iniwan ang bangkay ng biktima.
Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo ng pamamaril dahil ayon sa mga saksi ay hindi naman ginalaw ng mga suspek ang pera ng biktima.