Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bumbay timbog sa 5-6

0 52

Pinosasan ng Bureau of Immigration (BI) at nakatakdang ibalik sa kanilang bansa ang isang negosyanteng Indian national dahil sa reklamo ng panggugulo at palaging lasing kapag naniningil ng kanyang pautang na 5-6 sa Silang, Cavite.

Ayon kay BI Intelligence Division chief Fortunato Manahan Jr., bukod sa nasabing reklamo ay overstaying na rin at walang kaukulang dokumento ang suspek na si Bahg Singh, 48, taga-Barangay Inchican, Silang, Cavite.

Agad namang nagsagawa ng aksyon ang BI Intelligence Division Regional Intelligence Operation Unit IV-A at IV-B at sa bisa ng mission order ay dinakip si Singh. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.