Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bumbero tsugi sa headquarters

0 109

Patay ang Chief Operation ng Manila Fire Department (MFP) matapos mahilo at mawalan ng malay habang nagba-basketball sa ikaapat na palapag ng MFD Headquarters kamakalawa ng gabi sa Rizal Avenue Sta. Cruz, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PSSg Jay Irene Manalili, ng Manila Police District – homicide section, nakilala ang biktima na si F/Insp. Gaudencio Magallanes, 55, chief operation ng MFP.

Naganap umano ang insidente alas-siyete ng gabi. Nagba-basketball ang biktima at ilang beses nakapag-shoot ng bola nang itaas nito ang kamay at nagpalabas sa court dahil nakaramdam ng pagkahilo.

Umupo umano sa sahig ng court ang biktima pero bigla itong natumba at nawalan na ng malay.

Isinugod agad ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center ng kapwa bumbero pero idineklara itong dead on arrival.

Ayon naman sa kaanak ng biktima ay may sakit umano itong hypertension. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.