Abante Tonite Interactive

Bumigay ang pustiso ni basketball ref

Blind side

526

Untouchables sila kung ituring sa loob at labas ng basketball court.

Sila ang pinakamakapangyarihan sa simula hanggang kainitan at sa pagtatapos ng mga laro.

Kaya kung minsan, hindi maiaalis na nakatuon ang lahat ng atensiyon sa tatlong ito na tanging may bitbit na silbato sa kanilang pagtakbo-takbo.

Hindi din maiiwas kung minsan na maging tampu­lan sila ng atensiyon sa nakakatuwang sitwasyon.

Tulad na lamang sa nangyari sa krusyal na isang laro kung saan pag-ihip sa kanyang silbato para tumawag ng isang violation sa player ay biglang tumalsik hindi lamang ang silbato kundi pati na ang pustiso ni reperi.

Imbes na magalit o mainis ang mga manonood dahil sa kainitan ng labanan ay naging katatawanan ang sitwasyon dahil sa kinailangan ni referee na agad damputin at mabilis na isuksok sa kanyang bulsa ang tumalsik na pustiso.

Patay malisya na lamang si referee na kahit ma­lakas ang hiyawan dahil sa nangyari ay ipinagpatuloy pa rin nito ang pagsenyas sa numero ng player na tinawagan niya ng foul.