Abante Tonite Interactive

Bumili ng dildo (2)

0 408

Dra. Margarita Holmes

Bumili ng dildo (2)

Dear Dra Holmes: (shortened feb 9 letter)
Nag-order na ako sa online ng dildo. May tamang paggamit po ba iyon?
Salamat po uli.

Janet

Dear Janet:

Maraming salamat sa mga sulat mo na pinublish natin ng buo kahapon, Pebrero 9. Doon nagbigay ako ng iilang payo tungkol sa pagpili ng dildo. Nagbigay rin ako ng payo tungkol sa magagawa kung ang dumating ay hindi ‘yung in-order mo (sira, wrong size, atbp).

Itong araw naman, ang mga payo ay tungkol sa pag-ari mo na iyong dildo at papaano mo maaalaga at magagamit ito.

1. Mas mabuting mag isa mo lang subukan ang dildo sa umpisa, kahit na may balak kang gamiting ito kasama ng isang partner;

2. Huwag mong apurahin ang sarili mo. Lalo kang mahihirapan at hindi mag-e-enjoy kung hindi ka relaxed. Gawin mo ang mga gusto mo, sabilis, sapresyon, saparte ng katawan mo pinagsig­lahin (stimulate) ang iyong sarili;

3. Subukan mong kalabitin(?—touch dw, sabi ni google) ang iyong clitoris. Dinagdag ko itong pagtuturo (instruction) dahil ayon sa iilang mga sex educators sa Pilipinas, kontilang daw ang mga Filipina naalam kung saan ang tinggil (clitoris) at ano ang layunin nito.

Hindi ako sobrang nagtataka dun, dahil ang tinggil ang isangbahagi ng katawanna walang serbisyo kundikasiyahan. Kahit ang ari ng lalake, na nagdudulot ng pinakamasayang mga karanasan (ayonsa karamihan ng mga lalake) ay may 2 layunin labasan at pag-ihi. Kaya, sana ang mga kababaihan natin ay ma diskubre ang ating mga tinggil, diba, Janet;

4. Gumamit ng condom. Mas mabuting gumamit ng condom kahit na hindi mo ipapasok ito sa ari mo, dahil minsan, may allergic reaction ang nabibigay ng dildo kaya ang condom ay makakasi­gurado nahindi ito mangyayari. Mas madali rin itong linisin kung may condom ang dildo mo.

Deares Janet, inaasahan ko na natulungan kita ng sapat tungkol sapaggamit ng dildo. Hindi ko na pinagpatuloytungkol sa anal sex, o kahit paggamitsa loob ng arimo, o may kasamang partner, pero kung gusto mo rin ng payo rito, pakisulat mo na lang ako muli. Ala­gaan mo sana ng mabuti ang iyong sarili at ­ingat—MG Holmes

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa TONITE sa tuwing Sabado. Sulatansiya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes at panoorin siya sa Walang­ Echos sa AbanteTonitefacebook tuwing Huwebes, 7 pm.