Abante Tonite Interactive

Bumili ng dildo

924

Dear Dra. Holmes:

Great morning po, Dra. Holmes.

Marami pong salamat…sa inyong paliwanag noong Feb. 3, 2019.

Ikaw po ang una kong na­isip para kausapin sa nararamdaman ko..salamat po…God bless at ingat po.

Dra., minsan nga po nagbabad na ko sa paliligo para mabawasan ang nararamdaman ko…naguguluhan po ako.

Hanggang sa dumating sa point na nag-order na ko sa online ng dildo….safe po ba ‘yun?
May tamang paggamit po ba iyon? Pasensya na po sa mga tanong…salamat po uli.
No problem po kung ise-share n’yo po lahat ito sa ­inyong column…. Janet

Dear Janet:
Maraming salamat sa permiso mo. Tungkol naman sa dildo, depende ‘yun kung papaano ito ginagamit.

Eto ang mahahalagang kailangan mong tandaan kapag gumagamit ng dildo. Una, para maklaro natin, ang iyong in-order ay dildo na hindi gumagalaw mag-isa, at hindi vibrator na may baterya at gumagalaw.

Ang dildo ay maraming mga sukat, hugis at kulay. Sana pinili mo ang kulay at sukat na nakakalibog para sa iyo? Kasi, kung sobrang laki sa iyong kasanayan, baka masaktan ka (pero ito ay kung pinapasok mo lang sa mga bahagi ng katawan mo). Kung ang hugis ay hindi mo type, mahirap rin ‘yun…halimbawa, bilog kaysa sa hugis-ari ng lalake.

Mayroong dildo na ganu’n, para hindi mahalata ng iba, kung mahulog ito sa bag mo habang sumasakay ka ng bus.

Finally, halimbawa, ang kulay ng dildo mo ay berde o dilaw, parang hindi nakaka-engganyo, pagkatapos ng iilang gamit, ‘di ba, Janet?

Pagkatapos mong makuha ‘yung dildo, hugasan siya nang maigi. Mahalaga ring eksaminin na walang punit, butas, o mata­talas na parte ito. Kung mayroong bahagi na hindi maayos, isoli mo kaagad.

Pero kunwaring ok na ok ang dildo mo, mayroon ka pa ring ­kailangang tandaan. (TO BE ­CONTINUED)

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa TONITE. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/dr­margieholmes at panoorin siya sa “Walang Echos” sa Abante Tonite Facebook ­tuwing Huwebes, 7 pm.