Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bumili ng plasma puwedeng magkasakit – DOH

0 283

Nagbabala sa publiko ang Department of Health (DOH) laban sa mga nagbebenta at bumibili ng plasma bilang gamot sa COVID-19.

Nabatid na nakarating na sa DOH ang ulat na may nagbebenta ng plasma sa Cebu City para gamiting gamot kontra COVID-19 sa halagang P80,000.

“Ayaw natin `yong ipinagbebenta o pinababayaran ang dugo, gusto natin naii-screen muna natin ang mga pasyente bago sila makapagbigay ng dugo,” ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa briefing.

Posible kasi aniya na mahawa ng ibang sakit sa pamamagitan ng dugo ang isang tao na bumili ng plasma.

Sinabi ni Vergeire na lubhang mapanganib ang bumili ng dugo dahil maaaring maisalin ang iba pang sakit ng donor o ng taong pinanggalingan ng plasma.

Dapat aniya humingi ng tamang payo ang publiko sa opisyal na blood center kaugnay sa convalescent plasma transfusion.

“Hindi po kailangang pabayaran o tayo ay magbayad para sa dugong ito because this is purely voluntary,” ani Vergeire. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.