Abante Tonite Interactive

Bunag, Mapua igkas sa kalbaryo

0 212

All-out si Christian Bunag at ang Mapua University na tapusin ang limang kalbaryo at makapasok sa win column ngayong Sabado ng alas-2:00 ng hapon sa 95th National Collegiate Athletic Association men’s basketball tournament 2019 first round elimination kontra host na Arellano University sa Cuneta Astrodome, Pasay.

Unang pinagplanuhan ng MU Cardinals na tuldukan ang haba ng bangungot kontra defending champion at co-leader San Beda University (4-0) nitong Martes, Agosto 6. Pero nakansela ang sultada dahil sa bagyo.

Muntik nang makaisa ang Cards sa kapitbahay sa Intramuros na Colegio de San Juan de Letran nitong Hulyo 30, pero kinapos at naisuko ang 89-84 loss para malagak sa ilalim ng 10-team hoopfest. Sayang ang 17 points at 12 rebounds ni Bunag.

Atat na ring makabalikwas mula sa 75-73 defeat sa University of Perpetual Help sa pagkakataong ito laban sa Mapua maka­lipas na bagyuhin din ang Metro Manila para makansela ang mga laro nila ng San Sebastian College at Lyceum of the Philippines University nitong Aug. 6 at 2.

Kita-kits sa alas-2:00 ng hapon ang Beda at kabuhol sa terserang CSJL Knights (5-1). (Aivan Denzel Episcope)